Saturday, May 2, 2009
GAYA NG DATI
Dati-rati
Laman ng puso mo ay ang pangalan Ko
Lagi Ako sa isip mo
Dati-rati
Inaawitan pa, labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning
Ngunit ngayon, nagbago ka
Nasa'n na ang init ng pagsinta?
Pangako mo'y hindi magwawakas
Di ba't noon samyo ng bulaklak at ihip ng hangin
Ay kapansin-pansin?
Di ba't noon takbo ng oras ay di mo napapansin?
Laging naglalambing
Ngunit ngayon, naglaho na
Sigla't tamis ng 'yong pagsinta
Pagmamahal Ko ba'y kailangan pa
Dati-rati
Mga pangako Ko'y kandungan mo't lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
Di ba't noon sa kaibigan mo'y Ako'ng bukam-bibig
Bakit ngayo'y anong lamig?
Di mo alam Ako'y nasasaktan
Sa 'di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't Ako'y naghihintay
Naghihintay
Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't Ako'y naghihintay
Di mo alam Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit ka't Ako'y naghihintay
Panginoon,
Ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin Mo
Mula ngayon,
Ang buhay kong ito'y iaalay sa 'Yo
Gamitin Mo ako
Gaya ng dati
Gaya ng dati
Gaya ng dati
Habang nagk-quiet time ako kanina, nakikinig ako ng Christian songs at naiyak ako. Feeling ko kasi natamaan ako ng song na to. Eversince dumating ako dito sa States, aminado ako, somehow nanghina ako lalo na sa spiritual life ko. Nagsskip ako ng quiet time, nakakalimutan kong magpray minsan bago matulog, naging occupied yung mind ko ng ibang bagay, na-take for granted ko Siya. At napansin ko, kinakausap ko lang Siya kapag kailangan ko, kapag sobrang malungkot ako o sobrang masaya ako. I'm sorry, God. Katulad nga nung last verse ng song, use me again. Bring me back to You.
Everyday you wait is another day you’ll never get back again.
2:05 AM